Karapatan ng Mga Bata

By | September 27, 2025

Ang karapatan ng mga bata ay mga pangunahing bagay na dapat matanggap at maranasan ng bawat bata upang lumaki silang ligtas, masaya, at may magandang kinabukasan. Nakasaad ito sa United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC) at sa ating Konstitusyon.

Narito ang 10 Karapatan ng mga Bata
1. Karapatang maisilang at magkaroon ng pangalan
2. Karapatang magkaroon ng tahanan at pamilyang mag-aaruga
3. Karapatang magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at aktibong pangangatawan
4. Karapatang manirahan sa payapa at tahimik na lugar
5. Karapatang mabigyan ng edukasyon
6. Karapatang mapaunlad ang sariling kakayahan
7. Karapatang mabigyan ng pagkakataong maglaro o maglibang
8. Karapatang maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan
9. Karapatang mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aabuso, panganib at karahasan
10. Karapatang maipahayag ang sariling ideya o pananaw

Ang mga sumusunod ay mga flashcards ng 10 Karapatan ng mga Bata.

Fun Teacher Files offers FREE and downloadable educational resources which can help learners, parents and teachers all around the world in learning and teaching pre-school and grade school concepts. Images used are from free sources. Posters, flashcards, reading materials and worksheets are great for blended learning (online class, classroom-based and homeschooling). Downloadable materials are NOT for COMMERCIAL USE. Thank you!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *